Sogo hotels h’wag tangkilikin

MARAMING tugon o reaksyon ang natanggap ng Chokepoint hinggil sa tinalakay nating dalawang branch ng Sogo hotels sa Monumento, Caloocan.

Sa ating nakaraang kolum, ating isinulat ang Sogo hotel sa Edsa, Monumento na katabi lamang ng Manila Central University.

Marami ang umaangal, partikular ang magulang ng mga mag-aaral ng MCU kung bakit naitayo ito katabi lang ng eskwelahan.

Napansin din ang Sogo hotel sa Rizal Avenue na bahagi pa rin ng Monumento at ang likod ay matatagpuan ang simbahan ng Grace.

May  batas – ang zoning regulation – na nagbabawal ng pagtatayo ng hotel o motel malapit sa mga eskwelahan at simbahan.

Isantabi na lang natin ang umiiral na batas at bigyang-pansin ang moralidad.

Dapat bang itabi ang hotel sa shool at church?

Kung bakit ‘di dapat may hotel o motel sa tabi ng eskwelahan – siguro’y batid naman ng may-ari at namamahala ng Sogo hotel.

Simple lang ang sagot diyan. Ito’y para maiwasang  magumon ang mga estudyante sa temptasyon na habang buhay nilang pagsisisihan.

Halimbawa’y ang kuwento ng isang magulang na dahil sa buwisit na Sogo hotel ay nasira ang pag-aaral ng kanyang anak na babae.

Tiyak, ‘di isa kundi maraming magulang pa ang nakaranas ng katulad ng isang magulang na nagsadya sa Chokepoint kamakailan.

Ang akala ng mga magulang, ang kanilang mga nag-aaral na anak ay nag-aaral, pero naroon pala sa isang branch ng Sogo hotel.

Iyang Sogo hotel naman sa harap ng simbahan ng Grace, aba’y ‘di dapat dahil sa kaimoralan diyan.

Ang isa pang napapansin natin, bukod sa pagbaluktot sa  zoning law, may mga sinasalungat pang iba ang Sogo hotel – Edsa.

Pansinin n’yo. Ang harap ng Sogo Edsa branch sa Monumento ay parkingan ng motorsiklo ng mga customer ng nasabing hotel.

‘Di tuloy makaraan ang mga dumaraan na tao, dahil ginawa nang parking lot na akala mo’y pag-aari na ng hotel.

Nagtataka naman tayo kung bakit ‘di napapansin ng DPSTM ng Caloocan at MMDA Chairman Francis Tolentino.

Sa dami ng violations, di dapat tangkilikin ng publiko ang Sogo hotels.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply