Sogo Hotels sa Monumento

MARAMING reklamo ang natatanggap ng Chokepoint tungkol sa dalawang branches ng Sogo Hotels sa Monumento, Caloocan City.

Sa sangay ng Sogo sa Edsa, Monumento, nagpoprotesta ang magulang ng mga mag-aaral ng Manila Central University.

Hindi natin lubusang maintindihan ang ipinuputok ng budhi ng mga magulang na matagal nang nagrereklamo sa hotel na ito.

Kaya ‘di natin pinapansin, subali’t kamakailan, isang magulang ang nagsadya sa Chokepoint at ako’y nagitla sa ikinuwento.

Nahuli raw ang kanyang anak na nag-aaral sa MCU na pumapasok sa hotel na ito, kasama ang isang ‘di kilalang lalaki.

Galit ang nasabing magulang at humingi ito ng tulong kung paano raw maisasara ang naturang hotel sa Edsa sa lungsod Caloocan.

Sa ating pagtatanong-tanong, may batas na nagsasaad na ‘di dapat magtayo ng motel malapit sa isang eskuwelahan.

‘Di natin alam kung bakit bawal magtayo ng hotel malapit sa eskuwelahan, pero common sense lang, hotel at eskuwelahan – pangit ‘di ba?

Pero ang masasabi natin, kung walang Sogo hotel sa tabi ng MCU, baka ‘di namomroblema ang magulang na nagsadya sa atin.

Kung paano naitayo ang motel na ito na halos katabi lang ng MCU, aba’y siguradong may nangyaring katiwalian.

Ito’y naitayo noong panahon ni dating Caloocan Mayor Rey Malonzo at aking natatandaan na patago ang konstruksiyon nito.

Dating Pink Panther Club ang lugar na yan. Natatandaan ko na tinakpan ng mga yero ang paligid ng Pink Panther ng ilang buwan.

At nang tanggalin ang mga takip na yero, ‘di na Pink Panther Club ito, kundi ang magarang gusali na ng Sogo hotel.

Nagtataka rin tayo kung paano naman naitayo ang Sogo hotel sa North mall na makikita sa Rizal Avenue – sa lugar din ng Monumento.

Ang likod nito ay ang simbahan naman ng Grace. Yan ay bawal din sa umiiral na batas, ayon sa pagtatanong-tanong natin.

Kung sino man ang may-ari at nagpapatakbo ng dalawang hotel na ito sa Monumento, Caloocan City – sana’y magising na!

Dahil, bukod sa binalewala n’yo na ang batas, pati ang simbahan ‘di n’yo na rin nirerespeto.  Mga buwisittttttttttt.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply