Solo liderato nilipad ng Lady Eagles

UMALAGWA pataas ang Lady Eagles upang madagit ang solo liderato sa 74th UAAP beach volleyball tournament.

Nilampaso nina Lady Eagles duo Alyssa Valdez at Bea Tan sina University of the Philippines Fighting Maroons tandem Aia del Mundo at Pau Genido, 21-9, 21-13, upang hablutin ang ikatlong sunod na panalo kahapon, Setyembre 3, sa UE-Caloocan sand court.

Habang ang dating kasalo ng Ateneo sa top spot na University of Santo Tomas at Far Eastern U ay hindi nakalusot sa kanilang mga katunggali.

Hinataw ng defending champion duo Pau Soriano at Sheila Pineda ng Lady Falcons ang Tigresses pair nina Maru Banaticla at Judy Caballejo, 21-17, 21-18, habang ginulat ng La Salle Lady Archers tandem nina Michelle Gumabao at Camille Cruz ang Lady Tams pair nina Shedd dela Peña at Loryvel Faytaren, 21-15, 21-19.

Nakaagaw na ng panalo ang University of the East Lady Warriors nang gapiin Lady Bulldogs. Elech Dawa

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply