Solon itinutulak ang balasahan sa Customs

HINIHINGI ng isang kongresista ang isang matinding balasahan sa Bureau of Customs matapos mailuklok ang isang bagong commissioner ng Pangulong Benigno Aquino.

Ayon kay Zambales Rep. Mitos Magsaysay, kailangang mawala sa BOC ang mga tiwaling opisyal at empleyado na isa sa mga dahilan ng negatibong imahe ng ahensya at pagkakasibak sa tungkulin ni Commissioner Angelito Alvarez.

Inilabas ni Magsaysay ang kanyang komento isang araw matapos magpahayg si Pangulong Aquino mula sa China na hindi na ito kuntento sa pamamalakad ni Alvarez sa Customs.

Nauna nang ipinahayag ng Pangulo na hindi nagawa ni Alvarez ang mga prayoridad niya na nais mangyari sa BCO katulad ng pagsibak sa mga key officials na nasasangkot sa smuggling.

Mayroon na umanong napupusuan ang Pangulo na hahalili kay Alvarez subalit ayaw ni Magsaysay na pangunahan ang Pangulo sa pag-anunsyo rito sa kabila ng mga kahilingan ng pamilya ng hahalili na bigyan sila ng katahimikan na tiyak na mawawala sa kanila sa oras na magsimula ang panunungkulan nito sa BOC. Ben Reyes

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply