Solon kay PNoy: ‘Savings game’ ni GMA wag tularan

NAGBABALA ngayon (Miyerkules, Setyembre 7) ang Bayan Muna kay Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III na huwag gayahin ang “savings game” na ginawa sa ilalim ng pamahalaang Arroyo.

Ito ay kaugnay sa nabunyag na P448 bilyon na pork barrel ni Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo noong ito’y Pangulo pa ng bansa.

Babala ni Rep. Neri Colmenares ng Bayan Muna kay Pangulong Aquino na mahaharap din sa sandamukal na problema ang bansa kung itatago lamang ang pera na dapat sana’y nagagagamit sa mga mahahalagang proyekto ng ibang ahensya ng pamahalaan.

Idinagdag pa ni Colmenares na hindi dapat sundin ni Pangulong Aquino ang mga diumano’y katiwalian noong administrasyong Arroyo.

Ayon kay Colmenares, bukod pa sa lump sum at intelligence funds, pinalobo rin aniya ni Arroyo ang sariling budget na umabot sa bilyun-bilyong piso sa loob ng siyam na taong termino sa pagka-presidente.

Inihalimbawa ni Colmenares ang Department of National Defense na nag-ulat ng P14.9 bilyon savings noong 2008 ngunit humingi ng dagdag-pondo na P7 bilyon sa parehong taon.

Hinikayat pa ng mambabatas na dapat ma-trace ni Pangulong Aquino kung saan napunta ang mga savings noong administrasyon ni Arroyo na anya’y dapat na nagamit para sa paglunas sa unemployment, sa pagbili ng gobyerno sa Petron, pagsuspinde sa VAT sa langis o kaya sa pagbabayad ng utang ng NAPOCOR.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply