Biazon pinag-iingat sa mga smuggler

PINAG-IINGAT ng mga mambabatas si dating Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon laban sa mga smugglers sa Bureau of Customs na magtatangkang dungisan ang kaniyang pangalan.

Babala ito ni AGHAM Rep. Angelo Palmones matapos mahirang si Biazon bilang bagong hepe ng BOC kapalit ni out going BOC Commissioner Angelito Alvarez.

“Cong. Ruffy is competent and qualified to manage the bureau. But he must shield his back from crook and smugglers who will surely find ways to outsmart him,” ayon kay Palmones.

Reporma naman sa kabuuan ng BOC ang hiling nina Reps. Bernadette Herrera-Dy (Bagong Henerasyon Partylist),Tupay Loong (Sulu) at Jane Lopez (YACAP Partylist).

“I am looking forward to a lot of reforms that he will be implementing in BOC. I am sure he will do a good job,” ani Herrera-Dy.

Umaasa naman si Lopez na haharapin ni Biazon ang mga smugglers at susugpuin ito kasabay ng reporma “Go for the big fish and not with the small fry.”

Sa panig naman ni House Speaker Feliciano Belmonte ay sinabi niyang si Biazon ay akma sa posisyong pinaglagyan sa kaniya ni PNoy. “It’s a big and tough job . His having no previous contact with customs. May turn out to be an asset.”

Nanawagan naman si Aurora Rep. Sonny Angara na suportahan si Biazon dahil sa malaking hamon na kinakaharap nito sa BOC.

“Mahirap ang kanyang pinapasukan, malaki ang hamon sa kanya. Siya ay isang taong may integridad, sana suportahan natin siya,” ayon naman kay Angara. Meliza Maluntag

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply