Sosyal na janitorial sa Pasay at hulidap ng NCRPO-RPIOU

MAYROON bang SOP ang Pasay City Mayor’s Office sa janitorial service ng siyudad?

Yan ang tanong ng ating uzi makaraang magulat ito na 4 na oras lang nagtatrabaho ang mga janitor sa Pasay pero P14,000 buwan buwan ang sahod nito.

Ang SOP o tongpats ay terminong ginagamit sa perang kinikita mula sa kickback o iligal na komisyon mula sa mga kontraktor o supplier.

FRONT RUNNERS JANITORIAL

Bakit mukhang saksakan ng bagyo kay Mayor Tony Calixto nitong Front Runners Janitorial Service?

At sino naman itong ipinagmamalaki ng Front Runners na Mark daw
ang pangalan?

Ang kilala lang ng ULTIMATUM na Mark na kakalat kalat d’yan sa Pasay City Hall ay walang iba kundi ang anak ni Mayor Calixto.

Pero base naman sa bulong ng ating uzi ay matino namang bata ito, sa katunayan ay isa pa nga itong matulungin na tao kung kayat malaki raw ang pag-asa nitong manalo sakaling tumakbo ito bilang konsehal ng Pasay.

Aba’y kagaling ano?

Matapos kumita ay ipinamimigay naman pala.

Magkano naman kaya yung kay Yorme?

BING TECSON

Bakit iisa lang ata ang binibigyan ng basbas sa mga infrastructure project d’yan sa Pasay?

Siya lang ba ang contractor na nabubuhay sa buong Maynila?

‘Wag naman sanang overpriced ang transaksyon nito.

KAMAG-ANAK INCORPORATED

Talagang magaling ang pamilya Calixto pagdating sa serbisyo publiko.

Dahil ang daming kamag-anak nito ang nasa payroll ngayon ng Pasay City.

Unahin natin ang anak ni Mayor na sina Mark at Cha mga kapatid na sina si Letty at Tess, ang driver na si Bokbok, ang kanyang executive consultant na si Mandy Bernabe, Chief Operations ng CADAC Eboy Bernabe, Barangay Action Head Nick Teodoro, Dennis Aguas atbp.

Wala pong sinasabi ang ULTIMATUM na iligal na magsilbi sila sa siyudad pero wala na bang mas magaling sa kanila?

MAGALING NA BPLO

Hindi ganoon kabilis kumuha ng business permit at working permit
sa Pasay.

Kamakailan ay lumabas sa TV ang sindikato sa working permit ng Pasay na puwedeng non-appearance kung kayat naghigpit na ngayon.

Sumobra naman ang galing ngayon ng Pasay BPLO dahil kapag hindi malaki ang padulas ay siguradong aabutin ka ng siyam siyam bago ka maisyuhan ng permit.

Gayundin sa business permit na kapag hindi nagkaroon ng “ayusan” ay hindi nila ilalabas ito gaya ng dating Miss Universal na ngayon ay Campus na ang pangalan.

Tama ba, Mr. Mandy Bernabe at Boyet del Rosario?

HULIDAP NG RPIOU

Libre totnak, libre kain, libre inom at may kuwarta pa!

Yan ang sumbong ng ating uzi na gawain daw ngayon ng mga pulis dyan sa NCRPO-RPIOU.

Ilan sa mga binanggit na pangalan ay sina Domingo, Espiritu at Blanco na pawang mga tulisan daw d’yan sa NCRPO.

ANG DAMING BIKTIMA

Sa dami nang naging biktima nitong mga gagong pulis na ito, dalawang establisimyento na ang lumapit  na nagrereklamo sa ULTIMATUM.

Ang modus daw ng mga gagong ito ay papasok sa mga night club sa Metro Manila at oorder ng sangkatutak na pagkain at inumin.

Matapos magpabondat ay babae naman ang ipatatawag at sapilitang gagahasain sa loob ng VIP room.

Siyempre tapos na ang sarap kaya magdedeklara na ito ng “raid”.

Hayun! Bibitbitin lahat ng tauhan ng club sa Bicutan at doon na mag-uumpisa ang usaping “aregluhan.”

P100,000 HANGGANG P1-MILYON

Mag-uumpisa sa P1 milyon ang usapan ng areglo at kung hindi ay kakasuhan daw ng human trafficking ang may-ari at mga tauhan ng club.

Hayoooop! No bail! Ang gusto ng mga gago!

Pero kapag magaling mag-drama ang biktima ay may awa rin naman ang Herodes.

Pinakamababang tatanggapin lang ng mga gago ay P100,000 at kung hindi ay tutuluyan pa rin.

Tsk! Tsk! Tsk! Ang mahal ng awa n’yo, P100,000 pa rin?

Gen. Purisima, yan ho ba yung matuwid na daan na sinasabi ng amo n’yong si PNoy?

UZI TEXT

Text ng mga UZIserong buwisit na sa sistema.

PERA-PERA SA NBI

Paki-publish po ang reklamo ko sa NBI. Noong nakaraang mga buwan, 1 month daw bago makuha yung nbi clearance. After 1 month bumalik ako, for release daw. Wala pa raw yung clearance. If gusto raw naming kumuha uli ngayon, 1 day processing uli! Doble bayad. Ano ito lokohan? You are supposed to protect the interest of the people. +63923330….

PANTAWID CARD WALANG LAMAN

Good p.m., idol. Bakit po ba na ang ipinamigay ni PNoy na Pantawid Pasada card para sa mga driver  noong June dito sa Pampanga ay walang pondo? Ang iba, pagpunta nila sa Petron at makaraang mai-swipe sa machine ang card, walang laman na 1.050 bilang pondo. Thanks po. Isa po akong driver dito sa Angeles City,  Pampanga. +63915981….

BRGY. LIBRARY KAILANGAN

There must be barangay libraries and all barangay captains must encourage those who lack education to learn through them. This ensures ZER0 ILLITERACY! ITS BETTER and more efficient than the kariton klasrum. +639306503875

oOo
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa programang Power Point ng RHTV o DZRH 666khz AM tuwing Sabado 3 to 4 PM, www.remate.ph o i-text sa 09214303333.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply