SPD nagbabala vs tiwaling pulis

NAALARMA ang Southern Police District sa pagkakasangkot ng isa sa kanilang tauhan na nahuling nagbebenta ng dalawang nakaw na motorsiklo sa lungsod ng Caloocan.

Ayon kay Chief Insp. Jenny Tecson, tagapagsalita ng SPD, aminado sila na ang suspek na nahuli ay isang pulis – si PO1 Eduardo Lomboy na nakatalaga sa District Public Safety Battalion at may kasabwat na nakilalang isang Jerome Aniscal.

Inatasan na ni SPD director Chief Supt. Jose Arne de los Santos ang district investigation division sa posibleng kasong administratibo na isasampa laban sa pulis na nahaharap din sa kasong kriminal sa paglabag sa anti-fencing law.

Kapwa nasakote si Lomboy at Aniscal sa isang entrapment operation na inilatag ng Caloocan Police.

Matapos makatanggap ng impormasyon sa iligal na aktibidad ng dalawa, isang pulis na nagpanggap na bibili ng motorsiklo ang nakipag-ugnayan sa mga suspek.

Ibinenta ng dalawa ang dalawang motrsiklo sa pulis na ng beripikahin ay pawang mga nakaw.

Iniimbestigahan na rin ng SPD ang isang impormasyon na ang mga ebidensyang sasakyan katulad ng motorsiklo na ginagamit sa panghoholdap na narekober ng pulisya ay ginagamit ng ibang mga operatiba sa pansariling pakinabang.

Ang ibang mga motorsiklo na narerekober ay nawawala pa umano sa bakuran ng mga ebidensya partikular sa Pasay Police headquarters at hinihinalang naibenta na ayon sa isang tip.

Nagbabala si de los Santos na mawawalan ng trabaho at mga benepisyo ang mga tiwaling pulis na ito sa oras na mapatunayan na may kinalaman sila sa pagkawala at pagbebenta ng mga iligal na sasakyan at mga ebidensya. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply