Sped binigyan ng subsidy ng DepEd

PARA maipagpatuloy ang pagbibigay ng de kalidad na edukasyon sa mga batang may special learning needs ay pinagkalooban ng Department of Education (DepEd) ng subsidiya ang may 276 kilalang Special Education (Sped) centers sa bansa.

Ayon kay Education Secretary Bro. Armin Luistro, ito na ang ikatlong pagkakataon na nagkakaloob ang DepEd ng financial subsidy sa mga Sped centers.

Ngayong taon pa lamang aniya ay umaabot sa P115 milyon ang ipinagkaloob ng DepEd sa mga ito.

“The amount we are providing to each Sped Center is proportionate to the number of enrollees and the exceptionalities being served in a particular center,” ani Luistro.

Ayon pa sa kalihim, 30 porsiyento ng alokasyon ay para sa pupil development activities, training, educational visits, camp activities, sports at pupil participation sa mga Sped-related activities.

Habang ang 25 porsiyento naman aniya ay inilaan nila sa pagbili ng mga assistive technology devices tulad ng Perkins Brailler, Braille display, speech synthesizer, canes, magnifiers, writing slate at stylus, abacus, Job Access with Speech Program (Jaws), computer, sports, musical instruments, speech trainer, vestibular balls, sensory integration materials, early stimulation devices, adapted PE apparatuses, sewing machines, stove, cooking wares at carpentry tools para sa  work centers/transition program.

Inilaan naman sa pagbili ng mga instructional at reference materials, psychological tests, early intervention materials at science manipulative materials ang 25 porsiyento at ang natitirang 20 porsiyento naman ay para sa professional upgrading ng mga guro at school heads at travel expenses na may kinalaman sa paglahok o attendance ng mga ito sa mga aktibidad na may kinalaman sa pagpapatupad ng kanilang programa, training ng classroom parent aides, at availment ng serbisyo ng mga allied personnel tulad ng psychologists, occupational, physical, speech at behavioral therapists. Jhie Convocar

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply