SSS kumilos para sa pensionado kaugnay ng LBC

NANAWAGAN ang Social Security System sa mga SSS pensioner na naapektuhan  sa pagsasara ng LBC Development Bank na magbukas ng bagong  account sa ibang bangko upang hindi maantala ang pagtanggap ng kanilang mga pensyon.

Ayon kay SSS President at Chief Executive Officer Emilio de Quiros, Jr., ang mga SSS pensioner na may accounts sa LBC Development Bank ay makatatanggap ng kanilang monthly pension para sa buwan ng Oktubre sa pamamagitan ng pension checks na ipadadala sa kanilang  mga  address.

Sinimulan nang i-proseso ng SSS ang P1.02 milyong halaga ng mga tseke para sa 381 na mga pensioner na may mga bank account  sa nagsarang LBC Development Bank  para sa buwan ng Oktubre at ang  mga  tseke ay ipadadala  sa kanilang mga address bago magkatapusan  ng Setyembre.

Kapag nakapagbukas na ng kanilang bagong bank account ang mga SSS pensioner na naapektuhan ng pagsasara ng  LBC Development Bank ay kailangang  magtungo agad sa pinakamalapit na tanggapan ng SSS  para ma-encode  agad ang pagbabago.

Kinakailangan umanong mai-submit  ang  mga  nasabing requirement bago mag-Oktubre 5 para hindi ma-delay ang kanilang pensyon para sa buwan ng Nobyembre.

Iminungkahing magsumite ang 381 na mga SSS pensioner na naapektuhan ng nagsarang bangko ng photocopy ng kanilang bagong bukas na bank account o ATM account at dalawang  valid identification card  kalakip ng accomplished “Request for change of bank” o DDR2 form sa pinakamalapit na  tanggapan ng SSS.

At sa mga nakabase sa ibang bansa gaya ng mga overseas Filipino worker ay maaari silang mag-apply ng Chinatrust Visa Card.

Maaari nilang ipadala  ang accomplished China-trust enrollment form at DDR2 form kalakip  ang photocopies  ng kanilang passport at dalawang valid IDs  na may larawan sa Pensions Processing Center  sa SSS main Bldg. na nasa East Avenue, Diliman, Quezon

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply