Stags pinahirapan ng Altas

HINDI naging madali para sa San Sebastian College Stags ang pagsugpo sa Peprtual Help Altas matapos ang 77-76 panalo ng una sa malapit ng matapos na second round eliminations ng 87th NCAA senior basketball tournament sa The Arena San Juan kahapon, Setyembre 14.

Muntik pang matalo ang Stags matapos isablay ni top MVP contender Calvin Abueva ang kanyang dalawang free throws may 14 segundo pa ang nalalabi sa final canto.

Si guard Earl Thompson ang nagtimon ng huling play para sa Altas, nilusutan nito ang kanyang mga bantay para i-drive ang bola subalit sinablay nito ang winning shot dahilan para magbunyi ang Stags.

“We’re still lucky because Thomson missed the last shot.” wika ni San Sebastian head coach Topex Robinson matapos makuha ng kanyang koponan ang ika-14 sunod na panalo.

Dikitan ang naging labanan ng Stags at Altas mula umpisa hanggang sa matapos kung saan natapos ang half time sa score na 34-33 pabor sa una.

Nagsalpak ng isang layup si Abueva para ilista ang 10-point lead ng Stags subalit sumagasa ng 9-0 run ang Altas sa pangunguna ni bench playerJaycee Asuncion sa pagbuslo ng walong puntos para sa 72-71 may 4:29 pa ang natitira sa fourth period.

Kumamada muli ang Perpetual ng 5-3 run para maagaw ang lamang sa San Sebastian, 76-75 may 1:37 na lang ang natitira sa laro.

Naibalik ang bentahe sa Stags ng ipasok ni Abueva ang dalawang libreng tira sa foul line.

Dahil sa natamong pagkatalo ng Perpetual lalo itong nabaon sa hulihan ng team standings na may 3-12 win-loss slate.

Si Ronald Pascual ang umarangkada ng maraming puntos sa Stags na may 27 puntos at four rebounds habang double-double si Abueva matapos tumikada ng 22 points, 12 boards at two blocks.

Nanguna sa opensa ng Altas si Asuncion na may 13 markers. Elech Dawa

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply