State visit ni PNoy sa Tsina tubong lugaw

TUBONG lugaw dahil sa aabot lang sa halagang P25 milyon ang magiging gastos ng gobyerno para sa limang araw na state visit ni Pang. Noynoy Aquino. Talagang tubong lugaw dahil bilyon-bilyong dolyar na pamumuhunan at pakikipagkalakalan ang kapalit ng mabungang pag-uusap ng Pinas at Tsina na sinasabing isa sa mga bansang mayroong pinakamalaking ekonomiya, sa mundo, ayon kay Executive Sec. Paquito Ochoa.

Siyempre sakay ng commercial flight nang umalis si PNoy noong Martes ng gabi, kasama ang mga delegasyon na pinangungunahan nina DFA Sec. Albert del Rosario, DTI Sec. Gregory Domingo, Finance Sec. Cesar Purisima at Energy Sec. Rene Almendras. Kasama din siyempre ni PNoy sa biyahe ang 200 kinatawan ng iba’t ibang negosyante sa Pilipinas na uma-asang makapagsasara ng malaking kontrata roon.

Ang state visit ni PNoy mula sa paanyaya ng Pangulo ng China na si Hu Jintao ay binubuo ng paglilibot ni  PNoy sa Beijing, Shanghai at Xiamen  para humarap sa lahat ng mga matataas na opisyal ng China, kabilang na ang mga pinuno ng malalaking  negosyo.

Kasama sa P25M ang gastos sa pasahe sa eroplano, akomodasyon sa hotel,  pagkain, transportasyon, telekomunikasyon at mga kinakailangang kagamitan. Una sa lugar na pupuntahan nina PNoy ang Beijing kung saan nakatakda ang pakikipagkita niya kay President Hu para sa isang bilateral meeting na susundan ng paglagda sa mga kasunduang pang-e-konomiya at isang state banquet. Kabilang din sa makakatagpo ni PNoy ay si Premier Wen Jiabao at ang mga mambabatas doon kabilang na si Wu Bangguo.

SEX TRAFFICKING SA LAPU-LAPU, GRABE

Silipin uli natin ang lantarang sex trafficking sa Lapu-lapu Health Palace, dating Magellan Sauna Bath, sa Buendia, Pasay City.

Astig kay Pasay City Mayor Tony Calixto ang sauna parlor na ito na pag-aari raw ng isang Fil-Am.

Mayooorrrr…..

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply