Station commander ipinasisibak ni Castelo

IPINASISIBAK ni Quezon City Rep. Winston “Winnie” Castelo ang station commander ng Station 5 matapos matakasan ng siyam na preso.

“I shall urgently call for full-address investigation to get at the bottom of this unfortunate incident especially so that the inmates involved are those charged with unbailable offenses,” ayon kay Castelo na siyang nakasasakop sa Station 5.

Binigyang diin ni Castelo na hindi na dapat pang maulit ang kaparehong insidente.

Inudyukan din ng mambabatas ang uupong kumander ng presinto 5 na bumuo sa lalong madaling panahon ng Task Force na huhuli sa mga pugante.

Nais ni Castelo na panagutin ang lahat ng nagpabaya upang malusutan ng mga preso.

Dagdag pa niya, “I can’t help but say that this speaks badly of the whole PNP, a total breakdown in its administrative and operational functions that should never be that case in the first place.” (With Christine Cabiao-Trainee)

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply