Sub-standard na Christmas lights tinututukan ng DTI

KASABAY ng pagpasok “Ber Month,” sinimulan ng Department of Trade and Industry (DTI)-South Cotabato ang pagbabantay sa bentahan ng mga sub-standard na Christmas lights sa lalawigan.

Ayon kay Elbert Capicio, trade specialist ng DTI South Cotabato, una sa kanilang hakbang ay ang kausapin ang mga may-ari ng mga establisimiyento at retailers na huwag nang umangkat at magpabili ng Christmas lights na hindi dumaan sa tamang proseso ng product inspection.

Humingi rin ng tulong sa media ang DTI na tulungan sila sa pagpapaalala sa publiko na huwag bumili ng mga Christmas lights na walang product standards marks at iba pang patunay na dumaan ito sa tamang pagsusuri.

Sinabi nito na delikado ang mga substandard na Christmas lights dahil maaari ito pagmulan ng sunog.

Nanawagan din si Capicio sa publiko na tulungan ang DTI sa pagbabantay laban sa mga substandard na Chrustmas lights.

Umaasa si Capicio na dahil sa kanilang isinasagawang malawakang information drive, mapipigilan ang pagdami ng mga produktong walang tamang lisensiya.

Maliban sa information drive mag-iikot din ang mga tauhan ng DTI upang magmonitor ng mga binibentang mga Christmas lights. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply