Suggestions

PAGBIBIGAY-DAAN pa rin po ito sa maraming natanggap nating reaksyon mula sa ating readers na nagpahayag na gusto nilang sumali sa isang araw na protesta laban sa masyadong mahal na presyo ng gasolina.

Ang sinasabi nating protesta ay yung isang araw na hindi ga-gamit at hindi bibili ng gasolina ang maraming tao sa loob ng isang araw.

Maraming nag-text sa atin na sang-ayon at gusto ngang lumahok sa isang araw na boykot sa produktong petrolyo. Galit na ang marami sa sobrang mahal na gasolina. People Power ang kailangan para pakinggan ang hinaing ng taumbayan.
Ngunit kailangan dito ang suporta ng lahat ng sektor.

Ang sektor ng public transportation ay dapat solido. Walang iwanan. Hindi dapat umatras dahil sa pangako.

Ang may ari ng mga pribadong sasakyan ay dapat pagtiisan muna ang isang araw.

Maglakad muna o mag-bike. Ang mga empleyado ay dapat ding makiisa.

Excuse muna ang mga late o kaya ang naghahanda ng trabaho sa araw na ilulunsad ang pag-boycott. Sa mga paaralan, kailangang bigyang-konsiderasyon muna ng mga school official ang mga lalahok na estudyante. Sa madaling salita, kailangan sa araw na ibo-boykot ang mga produktong petrolyo dapat  na magtulungan ang lahat ng sector.

Sa mga sports buff, pwede ring mag-schedule ng fun run. Halimbawa, taga QC ka at ang trabaho mo ay sa Makati, I-schedule mo ang fun run from QC to Makati para hindi mainip sa paglalakad.

Marami pa tayong maiisip na pwedeng gawin para ang one day boycott laban sa mga produktong petrolyo ay maging one day of fun and entertainment.

Pinakasimple ay huwag umalis ng bahay at kasama mo ang pamilya mo. Bonding ng pamilya. Kung single ka naman, i-schedule ang lakad ng barkada na sa bahay lang. Mag-basketball na lang o simpleng kwentuhan lang.

Kayo readers, ano ang maisa-suggest ninyo para sa isang matagumpay na boykot o isang araw na hindi paggamit o pagbili ng produktong petrolyo.

Sabihan natin ang mga kaibigan at kapitbahay. Kailangan lahat magsakripisyo para maging matindi ang latay natin sa petroleum companies para pakinggan tayong mga consumer at tulungan tayo ng gobyerno sa kalbaryong ito.

Mag-text po kayo sa akin sa 09209280847 o mag-email sa: ariel.inton@gmail.com. Mahalaga sa akin na malaman ang inyong saloobin at opinyon tungkol sa isyung ito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply