Sulat

SUMULAT po sa akin si Grace B.

– “Hello Ariel.

Ako ay ina ng isang naging biktima ng holdaper na puro minors.

Ang anak kong dalaga na nagtatrabaho sa call center ay naholdap noong July sa may West Rembo. Hinipuan pa siya nung isa sa mga holdaper.

Lahat ay 15 years old. Yung isa ay nakakulong na sa DSWD at yung dalawa ay at-large o tinatamad na lang na hanapin ng mga pulis.

Sinampahan namin sila ng kaso at hinihintay namin ang hearing. Hinanap ng parents nung holdaper ang anak ko sa Facebook at laging nagme-message na patawarin na ang anak nila at babayaran ang anomang nawala sa aking anak.

Bakit kaya ba nilang bayaran ang trauma at epekto ng kabastusan na ginawa nila sa anak ko? Paano kung na-rape o napatay nila ang anak ko? Sasabihin nila, sorry? Maling-mali ang ginawang batas ni Pangilinan para sa minors, hindi kasi alam  ng mga mambabatas ang reyalidad ng buhay sa labas.

Eto pa ang isa, may bestfriend ang anak ko at naholdap din noong Mayo sa Cupang. Hinaltak siya pababa ng jeep at nakaladkad.

Mula kilay hanggang batok niya natanggal ang anit kasama ang laman, buong katawan niya nabakbak.

Isipin nyo, binalatan ng buhay at ang kinuha sa kanya ay isang cellphone. Halos nakakalahating milyon na sila sa gastos para sa reconstructive surgery.

Mapapatawad mo ba ang gumawa nun na puro menor de edad? Sinira nila ang buhay nung tao.

Kung ako ay mapapatay ko sila.

Salamat sa inyong pagbasa sa sulat ko.”

– Maraming nakasalang na panukalang batas ngayong 15th Congresss na nagsusulong na ibalik ang tinatawag na “criminal liability” ng mga bata na may edad 15 hanggang below18 na kriminal.

Nakapanlulumo talaga tuwing nakaririnig tayo ng balita tungkol sa mga paslit, gaya ng mga “batang hamog” na kontrobersyal ngayon dahil sa footages sa TV na mga batang harapan kung magnakaw at walang pakundangan sa paglabag sa batas.

Dapat lang na maibalik ang kriminal liability ng kahit bata pa pero nakagawa na ng karumal-dumal na krimen. Para sa akin ay nasa tamang pag-iisip na ang 12 hanggang below 18.

Ano ang opinyon ninyo sa masalimuot na usaping ito? Mag-text po kayo sa akin sa 09209280847 o mag-email sa: ariel.inton@gmail.-com. Mahalaga sa akin na malaman ang inyong saloobin at opinyon tung-kol sa isyung ito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply