Sundalong nakapatay sa paslit, sibak sa serbisyo

SINIBAK na sa serbisyo ang isang sundalo na nakabaril at patay sa isang batang babae sa Brgy. Napnapan, Pantukan, Compostela Valley province noong nakaraang araw.

Nabatid na matapos ang insidente ay agad na hinuli si Pfc. Baltazar Ramos, miyembro ng 71st IB na nakabase sa Pantukan, kasunod ng pagtanggal sa serbisyo na walang benepisyong matatanggap.

Kasalukuyan na tiong nakapiit sa Pantukan Municipal Police station.

Nahaharap sa kasong administratibo si Ramos dahil sa pag-inom nito ng alak habang naka-duty at homicide.

Matatandaang napabalitang pinatay umano ni Ramos ang biktimang si Sunshine Mabini, 8, nakatira sa Sitio Biasong, Brgy. Napnapan, Pantukan, Comval province.

Kaugnay nito, nilinaw ng pulisya na aksidente lamang ang nasabing pangyayari.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply