Suplay ng gamot sa evacuation centers tiniyak

TINIYAK ng Department of Health na may sapat na suplay ng gamot sa evacuation centers.

Ayon kay Health Assistant Secretary Eric Tayag, may first aid medicines sa evacuation centers upang bigyang lunas ang evacuees na may karamdaman.

Anang kalihim, mayroon ding inuming tubig na nakalaan talaga sa mga evacuees.

Nabatid na kahit lumabas na ng bansa ang bagyong Pedring ay mayroon pa ring mga residente na nasa evacuation centers dulot ng matinding pagbaha sa kanilang lugar.

Una nang nagbabala ang DOH sa publiko na mag-ingat sa pag-inom ng tubig dahil sa mataas na pagbaha dulot ng bagyong Pedring  at pinayuhang mabuting pakuluan ang inuming tubig upang makaiwas sa sakit.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply