Susunod na biyahe ni PNoy hinahanda na

BUNSOD sa mga imbitasyon mula sa iba’t ibang bansa ay inaayos na ng Malakanyang ang susunod na biyahe ni Pangulong Benigno Aquino III.

Sinabi ni deputy presidential spokesperson Abigail Valte ngayon (Biyernes, Setyembre 2) na kailangan ng Pangulo na bumisita sa mga bansang malalapit sa Pilipinas.

“And of course, being one of the relatively new presidents in the region, talagang maraming nag-iimbita sa Pangulo,” anito.

Noong 2010 ay nagsalita na ng tapos si Pangulong Aquino na lilimitahan niya ang kanyang biyahe sa ibang bansa at tutugunan lamang niya ang imbitasyon ng mga dayuhang lider kung kinakailangan.

Simula ng maupo si Pangulong Aquino ay tinatayang pitong bansa na ang kanyang nabisita at ito ay ang Vietnam, United States, Japan, Indonesia, Singapore, Thailand, Brunei at China.

Ngayong Setyembre ay nakatakdang bumalik ng Japan at Estados Unidos si Pangulong Aquino subalit nanatiling tikom ang bibig ng Department of Foreign Affairs sa isyung ito.

“I am not quite sure yet, we can confirm there is an invitation… all in September, but we have no confirmation yet on whether the President will be accepting the invitation,” ayon kay Valte.

Samantala, kung ikukumpara, si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa mga naunang presidente ng bansa, siya ay nakapagtala ng 81 beses mula Agosto 2001 hanggang Setyembre 2009, dahilan upang ang kanyang official foreign travels ay naging mas madalas.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply