Taal, Bulusan at Mayon nag-aalburuto

NAGPAPAKITA pa rin ng abnormalidad ang Mt. Taal sa Batangas, Mt. Bulusan sa Sorsogon at Mayon Volcano sa Albay matapos makapagtala ng pito, tatlo at isang pag-uga ng lupa, ayon sa pagkakasunud-sunod, ang mga nabanggit bulkan sa nakalipas na 24 oras.

Sa update ngayong araw ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), dalawang pag-uga ng lupa ang unang naitala sa Taal at sinundan pa ito ng lima kagabi.

“Two of these events which occurred at 6:34 p.m. and 7:30 p.m. (Thursday) were felt at Intensity II by residents in Barangay Calauit in the southeastern part of the Volcano Island,” pahayag pa sa Phivolcs update.

Nakapagtala naman ang Phivolcs ng isang volcanic quake sa lugar sa nakalipas na 24 oras.

Dahil dito, pinanatili ng Phivolcs ang epekto ng Alert Level 1 sa kabuuan ng Taal Volcano.

“This means that hazardous eruption is not imminent. The public, however, is reminded that the main crater should be strictly off-limits because sudden steam explosions may occur and high concentrations of toxic gases may accumulate,” pahayag pa ng ahensya.

Pinaalalahanan din ang publiko na ang kabuuan ng Volcano Island ay nakakasa pa rin ang Permanent Danger Zone (PDZ), at ang pagtira roon ay hindi inirerekomenda.

Samantala, tatlong volcanic quakes naman ang naitala sa Bulusan Volcano sa Sorsogon sa loob ng 24 oras.

Naobserbahan ng Phivolcs ang malakas hanggang mahinang pagbuga ng usok sa summit crater.

Nananatili ring nasa Alert Level 1 ang Bulusan na ang ibig sabihin ay ang kasalukuyang aktibidades ng bulkan ay sanhi ng shallow at hydrothermal processes.

Ang pagpasok sa four-kilometer radius Permanent Danger Zone (PDZ) ay mahigpit na ipinagbababawal sanhi ng sudden steam at ash eruptions.

Binalaan din ang mga residente lalo na ang mga nasa northeast at southwest sectors ng bulkan na mag-ingat laban sa ash fall mula sa biglaaang pagsabog.

Samantala, isang volcanic quake ang naitala sa Mayon Volcano sa Albay sa nakalipas na magdamag.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply