Taas-pasahe sa LRT 1, 2 at MRT kasado na

DETERMINADO ang Malakanyang na ikasa na ang taas-pasahe sa tatlong transit railways sa Metro Manila.

Subalit, siniguro ng pamahalaan na abot kaya ng mananakay ang magiging bagong pasahe sa Light Rail Transit 1 at 2 at Metro Rail Transit.

Nilinaw ni Pangulong Aquino na panahon na upang itaas ang pasahe sa LRT 1 at 2 at MRT  upang mabawasan ang subsidiya na inilalaan dito ng pamahalaan na umaabot sa P2 billion  kada taon at mailagay sa ibang pondo ang pera.

Sa ngayon ay pumapalo na sa P7.2 billion ang subsidiya ng pamahalaan sa operasyon ng LRT 1 at 2 at MRT.

Wala namang ideya pa si Pangulong Aquino kung kailan magsisimulang sumipa ang bagong pasahe sa LRT 1, 2 at MRT.

Samantala, tiniyak naman ni Transportation and Communications Secretary Manuel “Mar” Roxas sa publiko na ang panukalang fare hike ay dadaan sa tamang proseso.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply