‘Taguig gift bombing’ suspect pinakakasuhan na ng murder sa DoJ

PINAKAKASUHAN na sa Department of Justice (DoJ) ng murder at frustrated murder ang tinaguriang “gift bomber” na si Rhea Obra.

Maalala na noong nakaraang taon, namatay matapos masabugan ng bomba na nasa loob isang regalo si Yvonne Chua sa sa Mahogany Place 3 sa Barangay Bambang, Taguig City.

Ang gift package ay naglalaman ng limang granada at pinaniniwalaang nahugot ng biktima ang safety pin ng isa sa mga ito habang binubuksan ang natanggap na regalo.

Si Obra ang sinasabing nagbigay ng naturang “gift bomb” sa biktima.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply