Taklesa kaya effective na host si Zoren

WALA namang dahilan para masaktan si Willie Revillame kahit ikakasal na ang co-host niya sa “Wil Time Big Time” na si Valenzuela Councilor Shalani Soledad kay Congressman Romulo. Hindi naman kasi siya nanligaw kay Shalani. Ang sa kanila noon ay biru-biruan lang. ‘Yung pagpapalipad-hangin ni Willie kay Shalani sa ere ay ginagawa niya para pampakilig lang sa audience.

Happy si Willie para kay Shalani dahil magkakaroon na ito ng sariling pamilya. And at the same time ay happy din siya dahil consistent na mataas ang nakukuhang rating ng Wil Time Big Time. Hindi makaungos sa kanyang show ang katapat nitong progrma mula sa GMA 7. Nu’ng Sabado nag-number one na naman siya.

Kamakailan ay nagpa-general check up din si Wil at awa ng Diyos okey naman lahat ang results. Puro positive ang dating sa kanya ngayon.

Tsuk!

***

NOON pa namin sinasabi na effective na showbiz talk show host si Zoren Legapsi. Nakaka-scoop siya at may dating pag nagbitaw ng punchline. Bagay na bagay siya talaga sa Pinoy Paparazzi ng TV5.

Napabalita na ring inawat ni Mina si Zoren sa pagbibigay ng blind items na very obvious. “Napagsabihan ko siya. Si Zoren kasi, he’s so transparent, ‘di ba? He’s very candid, eh. So, parang sa kanya, kung ano ‘yung nasa puso niya, nasa isip niya, sinasabi talaga niya, na wala namang malice. Pero siyempre, hindi naman naiintindihan ng mga tao ‘yon, na kung para sa kanya balewala, pero siyempre, iba ‘yung dating.

“So, sabi ko lang, ‘Honey, you just have to be careful and cautious. Kasi, kahit para sa ‘yo wala, hindi naman naiintindihan ng mga tao ‘yon.’ Ayoko lang na may magalit sa kanya. Kaya minsan, pinag-a-absent ko talaga siya sa ‘Paparazzi. Kaya minsan pag wala siya, ako ang may kasalanan,” bulalas siya nang makapanayam namin siya sa presscon ng iniendorso niya na Del Monte Filipino Style Tomato Sauce with MMK (Munggo, Malunggay at Kalabasa).

Pati ‘yung pagre-recall nina Zoren at Ruffa last Sunday ng nakaraan nila with Aga Muhlach ay kinaaaliwan ni Mina dahil sabi niya, hindi lahat ng ex-couples ay nagiging friends tulad ng dalawa.

Magkumare sila ni Ruffa kaya walang isyu sa kanila. Very careful din si Ruffa at marunong rumespeto kaya wala siyang dapat ipag-alala.

Tamaaa!

***

PINAG-UUSAPAN ang pelikulang “No Other Woman,” mula sa joint venture ng Star Cinema at Viva Films. Gumaganap dito si Cristine Reyes bilang si Charmaine Escaler. Asawa niya rito si Derek Ramsay bilang si Ram na magkakaroon ng mistress, na ginagampanan ni Anne Curtis.

Kung halimbawang sa totoong buhay ay may asawa na si Cristine tapos nalaman/nabisto niya na yung mister niya ay may mistress, willing ba siyang maghabol?

“Sa tingin ko, ayokong gawin ‘yun na maghahabol ako sa lalaki. Kasi, ayokong ipilit ‘yung sarili ko sa taong ayaw na sa akin.

Kasi parang tatapakan ko lang yung sarili ko. Marami namang iba diyan na puwede akong mahalin. Ang ganda-ganda ko naman,” natatawang sabi ni Cristine

So, hindi totoo ‘yung tsismis noon na naghabol siya sa ex-boyfriend niyang si Dennis Trillo?

“Hindi. Yun lang ang alam n’yo, pero hindi,” sagot niya.

Naagawan na ba siya ng boyfriend?

“Opo, pero matagal na yun. Masakit siyempre,” pag-amin ni Cristine.

Sino naman ito?

“Bata pa ako noon. Hindi na kailangang pag-usapan,” iwas ni Cristine.

Itinuturing ni Cristine na perfect boyfriend si Rayver at nung September 14 ay ang first anniversary nila bilang mag-sweetheart. Ikinuwento ni Cristine kung paano sila nag-celebrate.

“Nag-dinner kami tapos nanood ng movie. Tapos may konti siyang surprise.”

Ang regalo raw ni Cristine kay Rayver ay T-shirts na Lacoste. At ang binigay naman daw sa kanya ng boyfriend ay isang Balenciaga bag.

Wish nga ni Cristine na sana raw magtagal pa ng maraming taon ang relasyon nila ni Rayver.

Ang No Other Woman, ay showing na sa September 28. Mula ito sa direksyon ni Ruel Bayani.

Pinag-usapan din sa presscon ang kontrobersyal na dialogue ni Carmi Martin kay Cristine Reyes  na, “I-pack up mo na ‘yang Lucy Torres mo! Ilabas mo na diyan si Gretchen Barretto!”

Ang interpretation ng ilan ay simbolo ng kamartiran at perfect wife si Lucy samantalang si Gretchen ay isang palaban na babae.

“Kung si Lucy ay baka gumawa ng congressional bill para i-address ang isang isyu, si Gretchen, hindi. Iku-confront niya. At siguro, ang point ni Carmi, tama na ang pa-poise mo. Kumilos ka na.

“So, si Gretchen ay isang babae na kumikilos para magawa ang mga gusto niya at ma-confront ‘yung mga taong kumakalaban sa kanya,” paliwanag  ni Direk Ruel.

Naniniwala rin si direk na hindi mao-offend sina Gretchen at Lucy sa paggamit sa pangalan nila.

“No, alam ni Gretchen na idol namin siya. Alam ni Gretchen ‘yan, na icon din siya. At dahil nangga­ling sa Magkaribal (huling teleserye ni Greta sa ABS-CBN) na palaban, alam niya rin ‘yon. “‘Yung kay Lucy naman, paano naman magiging kalait-lait ‘yung pagiging perfect wife? Eh ‘yun nga ‘yung pinerfect ni Cristine sa character niya?

“Kaya nga masarap silang gamitin sa dayalog. Kasi, pareho silang nagre-represent ng extremes,” dugtong pa ni direk.

‘Yun na!

***

SA Setyembre 29 ay magaganap sa The Library sa Malate ang Hawakan Mo Na The Repeat ng Masculados Dos.

Si Ynez Veneracion ang kasama nina Robin Robel, Enrico Mofar, Lexter Laza­ro, Nico Cordova, Ozu Ong at Orlando Sol sa naunang show at sa repeat nito.

Ang bet ni Ynez sa Masculados Dos ay sina Robin at Nico. Pero kay Robin daw siya gusting magpahawak dahil matagal na silang magkaibigan at feeling niya ay safe ito.

Sey ni Direk Maryo, more daring, sexier at mas maganda ang costumes ng Masculados Dos sa kanilang mga show. Mas energetic at magagaling ang batch na ito pagdating sa show.

Nakawalong taon na ang Masculados. Next year sa 9th anniversary ng grupo ay balak ni Direk Maryo na magkaroon ng big concert ang Masculados Dos.

Tsuk!

***

NEW timeslot na po ang “Face to Face” starting this Monday, September 26. Back-to-back na po sila ng “T3: Kapatid Sagot Kita” (public affairs programs ng Tulfo brothers na sina Erwin, Raffy at Ben).

Starting Monday, 4:30 p.m. na mapapanood ang baranggay-hall-on-air na talakserye ng bayan na Face to Face, bago mag-T3 na umeere ng 5:30 p.m.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply