Talent ng GMA-7 malapit nang maubos

MALAPIT na palang maubos ang talent ng GMA-7 dahil naglilipatan na pala ang mga ito.

Nauna ng lumipat si Janice de Belen sa Kapamilya channel. Pumirma na ito ng kontrata dahil gagawa na ito ng show sa Dos. Ang kapatid ni Janice na si Gelli de Belen ay lumipat na rin pala sa TV5 at may gagawin na rin pala itong show sa Kapatid Network. May gagawin pala sanang show si Gelli sa GMA pero mas pinili nito ang offer ng TV5 dahil sa mas mataas diumano ang TF na matatanggap.

Si Cesar Montano ay lilipat na rin matapos ang kanyang show sa GMA na “Andres de Saya” na tapos na rin, Ganun din si Edu Manzano na lilipat din sa TV5.

Si Paulo Avelino ay kakapirma lang ng kontrata sa ABS-CBN. Lumipat ito matapos na hindi siya nabigyan ng magandang project sa GMA-7. May balita rin na lilipat si LJ Reyes na live-in partner ni Paulo sa Kapamilya dahil wala na rin umano itong ginagawa ngayon.

Halos lahat ng mga talent ng GMA ay may plano na mag ober-da-bakod.

Nakakapagtataka kung bakit lipatan sila ng lipatan? Totoo kaya ang tsismis na hindi marunong mag-alaga ng kanilang mga talent ang GMA? Abay dapat magising na ang Channel 7 kung sila ay natutulog ngayon dahil baka paggising nila isang umaga wala na silang talent at manghihiram na lang sila ng talents sa ibang network.

***

TV host-actress nakakadiri ang kili-kili

HANGGANG ngayon ay pinag-uusapan pa rin sa mga umpukan ang isang TV host/actress dahil sa kanyang kiliki. Sa tuwing nakikita at nakaka-usap ng mga reporters itong si TV host ay hindi sila tumatagal dahil sa amoy ng kili-kili nito.

Hindi lang basta amoy, kungdi amoy na nakasusulasok. Ibig sabihin sobra ang kili- kili power niya.

Gumagamit naman daw ito ng deodorant pero hindi na talaga kayang pawiin nito ang amoy ng kanyang kili-kili. Kakaiba ang amoy ni TV host dahil sumasabay ang amoy ng kili-kili niya sa kanyang pawis. Halos dumidikit sa damit ang amoy ni TV host kaya iniwasan siya ng ibang mga kasamahan sa showbiz. Napapansin na daw ni TV host na iniiwasan na siya ng mga kasamahan at mga nakakausap kaya ang ginagawa nito ay naglalagay na daw ito ng tissue o panyo sa kili-kili niya para hindi gaanong umaalingasaw ang amoy.

Sino ang TV host actress na ito? Itanong na lang natin sa isang staff ng isang showbiz talkshow. Ang pangalan ni TV host actress kinaiinisan ng mga kapwa niya artista.. Sino siya?

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply