Talunan sa Bb. Pilipinas wagi sa Miss World

NOW it can be told. Isang talunan pala si Gwendolyn Ruasis, ang bagong Ms. World Phils., sa Binibining Pilipinas last year kung saan nanalo si Venus Raj. Pero hindi man lang nakapasok sa magic 5 last year si Gwendolyn sa Bb. Pilipinas at ngayon ay waging-wagi ang beauty niya at siya ang representative ng Pilipinas sa Ms. World Pageant sa London sa Nov. 6.

Kapansin-pansin kaagad ang beauty ni Gwendolyn among the 25 finalists ng Ms. World Philippines na ginanap sa PICC last Sunday dahil siya ang pinakamatangkad sa lahat at 5’11 kaya naman mala-Melanie Marquez at Evangeline Pascual talaga ang dating niya. Classic Pinay mestiza rin ang look niya dahilh alf-Pinoy at half-French siya. Siya rin ang nanalong best in swimsuit at ang gumawa ng gown na suot niya ay siyang tinanghal na best designer. Malamang ‘yung winning gown niya ang isusuot niya sa Ms. World sa London.

Ngayon ay nag-aabang ang lahat kung mapapantayan o matatalbugan pa ni Gwendolyn si Shamcey Supsup ang 3rd runner-up sa katatapos lang na Ms. Universe!

oOo

“OHHHSS” and “ahhhsss” at isang masigabong palakpakan ang bumati sa Fab Five at ilang eliminated contestants sa Pinoy Biggest Loser sa Dolphy theatre ng ABS-CBN nang i-present na sila sa press after four months sa camp kung saan nagpayatan na sila nang husto!

Nakagugulat dahil sexy na ngayon ang mga Dabiyanang sina Angela at Hazel. Tinatawag na siya ngayong “hot” ng kanyang gwapong mister ayon kay Angela at natutuwa siya na nag-o-ovulate na siya ngayon, meaning, pwede na silang makabuo ng bata ngayon na hindi posible nang super mataba pa siya noon. Samantala si Hazel na never na nagkaroon ng boyfriend since birth dahil simula nang bata siya ay tabatsina na siya, ay nakatagpo ng pag-ibig inside the Biggest Loser camp sa katauhan ni Raffy na kasamahan niya sa Fab Five.

Ngayon ay super payat na sila pareho and they really look good together!

Samantala, mukhang halos lahat ay gustong manalo si Larry dahil sa Fab Five ay siya talaga ang nagpursigidong magpapayat nang husto patungo sa pagbabago sa kanyang buhay. Nasisante sa pagkapulis si Larry dahil sa sobra niyang katabaan na nakuha niya dahil sa bisyo. Dahil dito ay nawalan na rin siya ng respeto sa kanyang sarili kaya sumali siya sa Biggest Loser para maibalik niya ang dati niyang buhay. Ngayon ay bukod tanging siya lang sa mga contestant ang may abs na! At malapit na rin siyang bumalik sa pagkapulis.

Sa ngayon ay nakalabas na ng Biggest Loser camp ang Fab Five at ang tunay na hamon ngayon ay ang patuloy niyang pagsisikap na pumayat habang nasa kani-kanilang mga bahay na sila. Magkakaroon ng final weigh-in ang Fab Five sa Oct. 8 sa Ynarez Stadium Pasig at doon na tatanghalin ang kauna-unahang grand winner ng Pinoy Biggest Loser!

Marami ang nagka-clamor ngayon na magkaroon ng Pinoy Biggest Loser Celebrity Edition at ilan sa mga sina-suggest ng press ay sina Nadia Montenegro, Ryan Yllana at Direk Edgar Mortiz. Kaso ‘yung ibang celebrities natin ay nagdadalawang-isip kasi baka raw mawalan na sila ng trabaho kung payat na sila. I don’t think so. Mas mahalaga pa rin ang maging healthy at mabuhay nang mas matagal. Sigurado rin kaming magkakaroon pa rin sila ng trabaho dahil mga talented naman sila.

oOo

SA SOBRANG kasikatan ni Boy Pick-Up (Ogie Alcasid) sa Pick-Up Lines segment ng “Bubble Gang” ay ang daming Pinoy rappers natin ang nagbo-volunteer na mag-guest nang libre para lang makasama nila si Boy Pick-Up. Pati ang mga student ng iba’t ibang unibersidad ng Metro Manila ay sumusugod sa GMA at nakikiusap na pati sila ay makasama sa Pick-Up Lines at makapagpa-picture kasama si Boy Pick-Up. Sa Biyernes ay special guests sina Pekto, Dennis Trillo at Isabelle Daza. Kasama sila sa Habulin Nyo Yan gags at Head N Shoulders (John Lloyd-Angel) commercial spoof. Malulukring kayo sa segments na Sorpresang Alon at Baka Lang Pwede. Siyempre hindi mawawala ang Cheche Bureche. Moymoy Palaboy (Cartoon-Aqua), Balitang News, Tata Twins at Dan and Serye.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply