Tama si Dir. Sammy Pagdilao, Jr.

MABILIS ang naging aksiyon ng pamunuan ng Criminal Investigation and Detection Group  sa kanilang pagsisiyasat sa ‘PNP chopper scandal’.

Napakalaking iskandalo ang kasong ito na ang ‘involved’ ay mga bigwig ng nakaraan at kasalukuyang administrasyon.

Ngunit ‘di naging hadlang sa kasalukuyang liderato ng CIDG ang estado ng mga nasasangkot para gawin ang kanilang trabaho.

Noong Setyembre 2, 2011, kinasuhan nila sa Ombudsman ng  plunder at anti-graft corruption charges ang 27 kilalang personalidad.

Kabilang sa kinasuhan si dating First Gentleman Mike Arroyo, DILG Sec. Ronaldo Puno at PNP Dir. Gen. Jesus Verzosa.

Bukod sa tatlong personalidad na ito, nahaharap din sa parehong kaso ang mga dati at kasalukuyang opisyal ng Pambansang Kapulisan.

Ang Senate Blue Ribbon inquiry witnesses na sina Archibald Po at Hilario de Vera ay ‘di nakaligtas, kinasuhan din ng CIDG.

Kung pag-aaralan ang kasaysayan ng CIDG, ang mga nakaraang kaso rito – gaano man ang laki – ay napakabagal kung umusad.

At ngayong kasalukuyang pamunuan, nararamdaman natin na kumikilos at bumibilis ang proseso ng imbesgtigasyon sa CIDG.

Kaya nga nang mabatid natin na sinampahan ng CIDG ng kaso ang mga nasasangkot sa ‘chopper scandal’, aba’y natuwa tayo.

Pero ang naging aksiyon na ito ng nasabing police investigating body ay naging ‘negatibo’ sa paningin ng ilang kritiko.

Dahil siya ang pinuno at bossing ng CIDG, pinukol ng sisi at kung ano-anong paratang si Director Samuel ‘Sammy’ Pagdilao, Jr.

May naglabas ng ispekulasyon na ang tinawag nilang ‘hasty’ action ng CIDG ay isang ‘scheme’ para sa eventual acquittal ng mga kinasuhan.

Porke ang ilang nakasuhan ay ‘kabaro’ umano ni Gen. Pagdilao, kaya nabuo sa kanilang kukote na madidismis ang kasong isinampa.

‘Di man nagsasalita ang police general, nararamdaman nating siya’y nasasaktan dahil sa mga ispekulasyon at paratang na ito sa CIDG.

Pero ang nakikinita ng Chokepoint, trabaho lang at lahat at walang ibang layunin dito si Gen. Pagdilao.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply