Tams pilay vs Falcons sa UAAP semis

DALA ng Far Eastern University Tamaraws ang agam-agam sa pagsisimula ng best-of-three semifinal opener laban sa second seed na Adamson Falcons bukas, Setyembre 15, sa UAAP Season 74.

Limang players ni coach Bert Flores ang nasa injury list dahil sa iba’t-ibang idinadaing na sakit. Ang defensive stopper na si Chris Exciminiano ay may left ankle injury, si rookie Russel Escoto ay may pinsala sa kamay habang si JR Cawaling ay idinadaing ang kanyang tuhod.

Si Christian Sentcheu ay mayroon ding pilay at ang malaon ng nagpapagaling sa Achilles tendon na si Pipo Noundou ay hindi pa naisasabak sa laro.

Samantala, ang topseed na Ateneo Blue Eagles ni coach Norman Black ay hindi bina-balewala ang nakatakdang pagharap laban sa No. 4 team na University of Santo Tomas Growling Tigers na naghahanda rin ng mahigpit para sa sarili nilang best-of-three series. Radito Torres

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply