Task force ni Roxas suportado ng Kamara

SUSUPORTAHAN ng Kamara de Representantes ang hakbang ni Transportation and Communications Secretary Mar Roxas na bumuo ng task force na magsisiyasat sa overpricing sa mga produktong petrolyo.

Ayon kay Eastern Samar Rep. Ben Evardone, ang paglikha ni Roxas sa DOTC-DOE task force ay malaking pag-asa na sa publiko upang maibaba ang presyo ng krudo na inirereklamo na ng iba’t ibang sector.

Sa pamamagitan ng task force, umaasa si Evardone na babawi ang Department of Energy sa mga naging kabiguan nito partikular sa panawagan na maibaba ang presyo ng krudo.

Umaasa rin si Evardone na mapapanagot lahat ng mga mapatutunayang nagsamantala upang kumita.

Naunang nanawagan si Evardone sa liderato ng Kamara na magsagawa na rin ng pagmo-monitor ang Kongreso sa presyo ng langis at upang masiyasat kung sobra-sobra ang mga pagpapataw ng dagdag presyo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply