Tatang pinagbabaril sa loob ng bahay

PATAY ang isang  matandang lalaki matapos pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang salarin sa loob mismo ng bahay nito sa  Barangay Niugan, Malabon City,  Sabado ng gabi, Setyembre 3.

Dead on arrival sanhi ng maraming tama ng bala ng baril sa iba’t-ibang parte ng katawan si Florante De Dios, 58.

Sa imbestigasyon ng pulisya, ganap na alas-11:15 ng gabi ng mangyari ang krimen sa balkonahe ng bahay ng biktima sa nasabing lugar.

Base sa salaysay ng mga saksing sina Michelle Ann Hulleza, 23, Mary Jane Castillon, 20, at Khey Leona 18, kasama nilang kainuman ang biktima sa loob ng bahay nang biglang may kumatok sa pintuan.

Nang pagbuksan, dalawang kalalakihan agad pumasok at tumuloy sa loob hanggang balkonahe ng bahay at ilang saglit ay bigla na lamang pinag-babaril ng mga salarin si Florante.

Nang duguang bumagsak sa sahig ang biktima ay mabilis na tumakas ang mga salarin  bitibit ang ginamit nitong  baril.

Narekober ng mga mga awtoridad  ang maraming empty shells ng kalibre .45 baril sa pinangyarihan.

Patuloy ang isinasagawng imbestigasyon ng pulisya para malaman ang tunay na motibo sa nasabing krimen habang isang manhunt operation ang inilatag ng mga awtoridad  laban sa dalawang salarin. Roger Panizal

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply