Tatlong tulak ng shabu arestado sa Maynila

TATLONG tulak ng shabu ang inaresto ng mga tauhan ng MPD-District Anti-Illegal Drugs-Special Operation Task Group  matapos mahulihan ng 2 bultong shabu na may market value na P28,000 sa buy bust operation na isinagawa sa Pandacan, Maynila.

Kasalukuyan nang nakakulong sa headquarters ang mga suspek na sina Emerito Velarde, 43, Francisco Sagun, 44 at Fernando Sagun, 51, ng 1188 Kahilum II, Pandacan, Maynila.

Ayon kay DAID-SOTG P/Chief Insp. Robert Casimiro Domingo, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa talamak na aktibidades ng mga suspek kung saan nagbebenta ang mga ito ng shabu sa lugar.

Dahil dito, agad nagplano ang mga tauhan ni Domingo sa pangunguna ni P/Insp.Eduardo Vito Pama, SPO1 Melanie Amata, PO3 John Alfred Taruc, PO1 Juan Paulo Libiano, at PO1 Nino Anthony Alfonso ay

isinagawa ang buy bust operation  dakong alas 2:00 ng hapon noong Setyembre 12 sa may Maligaya St., Kahilom II, Pandacan, Manila.

Isa sa kanila ang nagpanggap na poseur buyer at habang iniaabot ang nasabing epektos ay agad nang dinakma ang mga suspek.

Nakumpiska sa kanila ang 2 bulto ng shabu na agad dinala sa MPD-Crime Laboratory.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply