Tax evasion ikinasa sa dalawang garment firm

NAGSAMPA ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ng tax evasion cases laban sa dalawang garment firm manufacturing, trading, at subcontracting.

Kinasuhan dahil sa pagpalyang magbayad ng tamang buwis at pagdeklara ng mas mababang kita aang Vintage Fashion Inc. at Best Seller Manufacturing Corp.

Kabilang sa mga inireklamo ay ang limang opisyal ng Vintage Fashion na sina Michael Tung Lim, Rosita Lu Dy, Nida Chan, Kelly Pascual, Amor delos Santos, at Beatrice Ramos. Ang mga respondent naman para sa Best Seller, na isang subcontractor ng footwear parts at accessories, ay ang general manager nito na si Charlie Yao.

Sinabi ng BIR na pumalya ang Vintage Fashion na magbayad ng buwis na may kabuuang halaga na P410.57 milyon sa kabila ng  ilang ipinadalang abuso o notices mula sa ahensya.

Sa kabilang dako, ang Best Seller ay nagkasa ng under-declared sa kanilang gross receipts mula sa kontrata sa kanilang malalaking kliyente tulad ng  Chowking at Universal Robina ng mahigit sa 30% o P35.34 milyon. Ang kumpanya ay may pagkakautang sa government income at value-added taxes na halagang P37.71 milyon para sa taxable years 2006 at 2007.

Ang kaso laban sa dalawang kumpanya ay ang 62nd at 63rd ay isinampa sa ilalim ng Run After Tax Evaders program ng BIR sa pamumuno ni BIR Commissioner Kim Henares.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply