Teacher’s group isinusulong ang P25K wage hike

MALAKI ang tiwala ng Teachers Dignity Coalition (TDC) na madadagdagan pa ang kanilang sahod at magiging P25,000 ito batay sa isinasaad sa Salary Standardization Law

Sinabi ni TDC Chairman Benjo Basas na bagamat iniakyat na sa P17,000 ang sweldo ng entry-level teachers, may mga pagkakataon na P3,000 na lamang ang naiuuwi ng mga ito.

Ayon kay Basas, mahalagang mapantayan ng pamahalaan ang offer ng ibang bansa sa mga guro upang maiwasan na ang paglabas ng bansa ng dekalidad na guro.

Nilinaw din ni Basas na kahit na mayroong mga guro na pinipiling sa ibang bansa magturo ay hindi pa rin naman masasabing may brain drain na sa bansa.

Kauganay nito, naniniwala si Basas na maganda pa rin ang kalidad ng edukasyon sa bansa sa kabila ng pagbaba ng international rating ng apat na pangunahing unibersidad sa bansa, ang University of the Philippines, Ateneo De Manila University, De La Salle University at University of Santo Tomas.

Sinabi ni Basas na posibleng mas sinukat ang teknikal na aspeto tulad ng mga pasilidad ng mga unibersidad at hindi ang mga produkto ng mga ito.

Nilinaw ni Basas na hindi niya sinasabing unfair ang naturang rating at hindi rin naman aniya mapagkakaila na may pagkukulang talaga sa kagamitan ang mga paaralan sa bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply