Team ‘Calixto Forever’ ay team ‘Calixto Whenever’

MULI nating halukayin ang kaliwat-kanang ‘katiwalian’ na nangyayari sa kaharian ni Mayor Antonio Calixto simula ng siya ay maging alkalde ng lungsod. Ang akala ng lahat ay mababago nang tuluyan ang Pasay City kapag nanalo bilang alkalde si Mayor Calixto. Marami ang natuwa ng lampasuhin niya sina incumbent Pewee Trinidad at Connie Dee noong 2010 election. Sa unang sigwada ng pagkakaupo ni Calixto dahil noong mga panahong nasa tabi pa niya ang tumulong at nagpakahirap na si George del Rosario ay maayos ang naging takbo ng pamamalakad ni Calixto sa Pasay. Pero ng ‘di kalaunan bumantot ng bumantot ang pamamalakad niya ng pagharian ng mga “Kamag-anak Corporation” ang kaharian niya. Pati ‘yung tumulong at nagpakahirap kay Calixto para maging siya ay alkalde ay bigla nitong iniwanan sa ere. Kaya‘yung dating team nung nangangampanya pa lang sila na “Calixto Forever” ay napalitan na nang “Calixto Whenever,” hehehe… Ewan natin kung totoo itong kumakalat na balita sa city hall na niregaluhan daw ni Boyet del Rosario (ito yung hepe ng license ni Calixto sa Pasay) si yorme ng isang maganda at batam-batang nagtatrabaho sa Waltermart. Hindi ko alam kung ano na ang nangyari. Si Boyet ang ‘tsipipay’ naman niya ang name ay Cecile na tagakausap sa mga kumukuha ng permit at tagatanggap ng tsapepe.Ito namang pinsan ni yorme na si Mandy Bernabe na tumatayong con-suhol, este.., Consultant ni yorme ang ‘tsipipay’ naman niya ang name ay Nitz ay naka-assign naman sa Office of the Mayor. Yung hepe naman ng traffic at bagman ni yorme na si Moti Arceo ang tsipipay naman nito ay isang GRO na itinatago niya sa isang condo na hindi naman binabayaran kaya  nilayasan siya nito.

***
Anomang reklamo o puna ay itext lang sa 091892-74764,09266719269 o e-mail sa: juandesabog@yahoo. com.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply