Ted Failon pinakamagaling sa kama ayon kay Rosanna Roces

KAHIT pala tumatantada na itong si Rosanna Roces ay hindi pa rin nawawala ang image nitong “kiss and tell.” Yes, may ganitong drama pa rin si Osang at sa isang interview ay inamin nitong mga 275 na lalaki (baka kinulang pa siya sa pag-compute) na ang kanyang mga nakatikiman. Mas marami siyempre ang non-showbiz kaysa sa mga actor na naka-churvahan ng dating ST Queen ng Seiko Films.

Ang alam namin sa mga artistang naka-sexual encounters ni Osang ay sina Tonton Guttierez, Philip Salvador, late Rudy Fernandez, Jao Mapa, Onemig Bondoc etc. At isa sa mga lalaking wala sa showbiz na natikman ng dating sexy star ay ‘yung super machong technician ng AM station na pinagradyuhan noon ni BFFT Pete A. Di ba my loving sister inum-um niya ang papable at papalicious na technician man nyo noon sa DWBL?

Pero heto na ang latest sa mga guys sa entertainment industry ay walang tatalo sa matapang na TV achor/newscaster na si Ted Failon sa galing nito sa kama. Yes, pinakamgaling raw si Papa Ted sa lahat ayon pa mismo kay Rosanna. May isa pala kaming knows pero secret na lang dahil boss at kaibigan naming rich businessman ay naka one night stand rin daw ni Osang. Yes, amigang Pete we know him pretty well dahil, once a week nasa sosyal na office niya tayo.

Korek, gyud!

***

Tatay ni Cristine Reyes inilaban kay Aiko Melendez bilang gobernador sa ‘Reputasyon’

KAHIT na ibinulgar na ng nanay ni Agnes De Los Santos (Cristine Reyes) na si Luisa (Jacklyn Jose) ang baho ng tumatakbo sa pagka-gobernadora sa Isla Sta. Barbara na si Catherine Villamayor (Aiko Melendez) na rati itong hostess sa Ligaya Club sa Manila kung saan noong una ay kinamuhian si Agnes ng kakamping biyenan na si Donya Concordia (Laurice Guillen).

Ngayon, dahil sa nakuha uli ni Agnes ang simpatiya ng publiko, dahil sa pagda-drama at interview sa kanya na kahit hindi totoo ay pinaratangan nitong naging kabit ng pinatay niyang mister na Gobernor si Agnes at galing dito ang mga pasa sa katawan dahil binubugbog raw siya.

Naging tagasuporta niya uli sa kanyang kandidatura ang biyenan. Pero may mahigpit siyang kalaban ngayon at ito ay ang tatay ni Agnes na si Jose (Lito Pimentel) na kinuha ng Vice Gobernor (Bing Davao) na kalaban ni Catherine sa pulitika at pinsang buo ng asawang governor.
Tumatakbo ring Gobernador ngayon si Mang Jose at malakas siya sa kanilang Isla. At si Agnes patuloy sa paghahanap ng hustisya sa pagdukot sa kanya kung saan nakasuporta sa kanya lagi ang dalawang lalaking nagmamahal sa kanya na sina Henry (Rayver Cruz), na nakababatang kapatid ni Catherine at Boyet na ginagampanan naman ni Jason Abalos.

At dahil sa dami ng request na iurong ang timeslot nito, simula ngayon ay mapanonood na ang Reputasyon sa ganap na alas-singko ng hapon sa Kapamilya Gold pagkatapos ng “My Fair Lady.”

***

Mga iba’t ibang portion na mapapanood araw-araw sa No.1 na Eat Bulaga

ARAW-ARAW ay laging kasama nyo sa Eat Bulaga ang iba’t ibang portion na hindi lang super enjoy panoorin kundi nakatutulong pa ng malaki sa lahat lalo na sa mga mahihirap nating kababayan. Tulad na lang ng Juan For All, All For Juan kasama sina Dabarkads Wally, Jose at Paolo plus Anjo Yllana at Ruby Rodriguez na sumusugod sa mga barangay dito sa loob at labas ng Metro Manila upang mamigay ng malalaking halaga at sangkatutak na papremyo para sa residenteng nabunot ni Bossing Vic Sotto ang name sa araw na ‘yun. Ganoon na rin sa Bayanihan of ‘Da Pipol na daily ay apat na winners ang magkakamit ng 10,000 (each) plus gift pack at bunos na cash. At siyempre kasama rin sa segment na ‘yan ang PNV o Pambato ng Videoke na ang PNV of the Day ay makatatanggap ng tumataginting na P15K. Nariyan rin ang Pamilyang Pinoy Henyo, Hakot All You Can, Ano Eato? Jump, Jump Brother at marami pang iba.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply