Terorismo tutuldukan ng Anti-Terrorist Financing – Angara

MALAKI ang paniniwala ni Sen. Edgardo Angara na mapipilay ang aktibidad at pagkilos ng terorista sa bansa kung maisasabas kaagad ang isang panukala na pipigil sa pagdaloy ng salapi at pondo ng mga terorismo.

Ayon kay Angara, kailangan nang maisabatas ang isang anti-terrorist financing upang tugunan ang banta ng terorismo matapos ipalabas ng Maplecrofts, isang UK-based analyst, ang Terrorism Risk Index, na nagsasabing ika-13 ang Pilipinas sa 198 bansa na may extreme risk ng pag-atake ng terorismo.

Kaya’t iginiit ng senador ang kahalagahan ng batas na siyang tutudla mismo sa puso ng aktibidad ng terorista, ang pondo.

“Terrorists are heavily dependent on funding. To obstruct their movement and activities, we must be able to block their access to funding,” ayon sa beteranong mambabatas.

“Too much of our efforts are focused on catching those who have committed crimes when we would be able to provide better security if we thwart terrorists’ plans before they even happen, dagdag ng senador.

Nauna nang inihain ni Angara ang Senate Bill NO. 2676 o ang Terrorist Financial Suppression Act of 2011 na may layunin na gawing kriminal ang pagkilos sa pagbibigay ng pondo sa terorismo bilang independent offense.

“Through this, the government will be able to take precautionary measures like having suspect accounts, particularly of terrorist financiers, shut down, preventing them from concealing or destroying incriminating evidence,” paliwanag niya.

“Maaari natin parusahan ang financier nang hindi tayo naghihintay ng aktuwal na pag-atake ng terorismo,” giit ng senador.

Kasalukuyang nakabinbin ang Terrorist Financial Suppression Act sa Committee on Banks, Financial Institutions and Currencies na pinamumunuan ni Sen. Sergio Osmena III na mahigpit na kalaban ni Angara sa ilang isyu tulad ng isang economic free zone sa Aurora.

Layunin ng panukala na bigyan ng karapatan ang imbestigador na suriin ang pinaghihinalaang bank account nang walang court order at bigyang kapangyarihan na pigilan ang naturang account kaagad upang maiwasan ang posibleng pagkilos ng terorista.

“It is indeed very alarming to be ranked so high in the Terrorism Risk Index,” said Angara. “We must strive to change that and improve physical security in the country to boost investor confidence,” aniya.

Tinukoy ng Maplecroft ang Somalia, Pakistan, Iraq, Afghanistan  at ang bagong South Sudan na likma sa may pinakamapanganib na banta sa terorismo base sa ipinalabas na ulat sa April 2010 hanggang March 2011 reporting period. Ernie Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply