TESDA nakapagtala ng 622,831 bagong espesyalista

IPINAHAYAG ng bagong pamunuan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na sa loob lamang ng isang taon ay nakapagsertipika na ang ahensya ng  622,831 TESDA espesyalista.

Ang mga bagong espesyalistang ito ay pumasa sa huling assessment na isinagawa ng TESDA sa mga accredited center nito sa buong bansa noong Hulyo 2010 hanggang Hulyo 2011. Umabot sa 740,673 ang kumuha ng assessment at 622,831 ang pumasa.

Iniulat ni TESDA director general Joel Villanueva na mga 311,174 ang nabigyan ng certification mula Hulyo hanggang Disyembre 2010 at 311,657 naman ang bagong mga espesyalista.

Mula taong 2005 hanggang Mayo 2011, umabot na sa bilang na 2.5 milyon ang rehistradong certified TESDA workers o TESDA Specialistas.

Ang assessment at certification program ay ibinibigay sa mga TESDA scholars at kahit hindi nag-aral sa TESDA na mga nakapagtrabaho na, mga estudyante, bumalik na overseas Filipino workers at kanilang mga dependent upang matasa ang kanilang abilidad at kakayahan sa mga vocational na trabaho upang gumanda ang kanilang tsansang makakuha ng magandang trabaho lalo na sa ibang bansa.

“Patuloy ang TESDA sa pagpapaangat ng kanilang assessment at certification activities upang matiyak na ang mga nagtapos sa technical at vocational na mga kurso ay mabigyan ng kaukulang sertipikasyon kung anuman ang kakayahan, kapabilidad at positibong work values na meron sila,” ayon kay Villanueva.

“Sa kasalukuyan, ito na ang hinahanap ng mga employer sa pagtitiyak ng magandang kuwalipikasyon at kakayahan ng empleyado.”

Ang TESDA ay nakapagbigay na rin ng abot sa 45,860 scholarships sa ilalim ng Training for Work Scholarship Program (TWSP) at ang Private Education Fund Assistance (PESFA) noong 2010.

Nakapagpartner na rin ang TESDA sa mga private na institusyon, malalaking kumpanya at mga ahensiya ng pamahalaan.

Maganda na ang naging bunga nito sapagkat marami ng actual training na mapupuntahan, mas maraming scholarship at higit sa lahat, mas maraming trabahong maibibigay sa mga espesyalista ng TESDA.

“Ang mga partnership agreement ay nagpapakita ng pagkikilala, paggalang, at pagpahalaga sa mga nagawa at ginagawa ng TESDA,” pangwakas ni Villanueva. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply