‘Thank you, teacher’ campaign inilunsad ng DepEd

BILANG pagkilala sa kabayanihan ng mga guro sa buong bansa ay inilunsad ng Department of Education (DepEd) ang ‘Thank you,’ teachers campaign.

Sinabi ni Education Secretary Armin Luistro, ito na ang pagkakataon para sa bawat estudyante o naging estudyante na pasalamatan ang kani-kanilang mga guro na walang sawang gumabay sa kanilang pag-aaral para magkaroon sila ng magandang kinabukasan.

Ayon sa kalihim, ang naturang kampanya ang magiging highlight ng taunang pagdiriwang ng Teachers Month na ginugunita tuwing Setyembre at World Teachers’ Day celebration naman sa Oktubre 5.

Naniniwala si Luistro na tama lamang na maglaan ang bansa ng isang buong buwan upang kilalanin ang mga guro sa kanilang kakaibang papel  para ihanda ang kinabukasan ng kanilang mga mag-aaral na siyang magpapalakas sa mga komunidad at pagbuo ng isang matatag na bansa.

Inatasan na ng kalihim ang bawat public at private elementary at secondary schools, division at regional offices na magsaggawa ng programa at activities na sususporta sa nasabing pagdiriwang.

Kabilang sa mga naturang aktibidad ay ang “say ‘thank you’ campaign” kung saan hinihimok ang bawat mag-aaral na lumiham, magpadala ng card magbigay ng regalo o magpaskil ng pagbati sa iba’t ibang social networking sites para sa kanilang mga guro.

Humingi na rin ang DepEd ng suporta mula sa mga television at radio station anchors, hosts at mga artista para pasalamatan ang kanilang mga naging mentors sa kani-kanilang mga programa.

Umaasa ang DepEd na makakukuha rin sila ng suporta sa kanilang kampaniya na bigyan ng tribute ang mga guro mula sa mga komunidad at
commercial establishments sa pamamagitan nang pagbibigay ng discount, freebies at special treats at promos sa mga ito, para sa buong buwan ng Setyembre hanggang Oktubre 5.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply