Third party sa 2 nagbaril sa mall wanted

HINAHANTING ngayon ng pulisya ang itinuturing na third party (karibal) sa relasyon ng dalawang binatilyong nagbaril sa loob ng SM Pampanga nitong Martes.

Sinabi ni P/ Supt. Wilson Santos, hepe ng Mexico municipal police office, na malaki ang maitutulong ng sinasabing third party sa misteryong bumabalot sa nabanggit na pamamaril.

Nagkakasa na rin ang mga may hawak ng kaso ng back tracking procedure para maidugtong-dugtong ang mga pira-pirasong impormasyong hawak at nakalap nila.

Titignan at rerebyuhin din ang video footages mula sa closed-circuit television (CCTV) camera ng naturang mall.

Aalamin rin kung kanino ang baril na ginamit insidente.

Una nang itinanggi ng pamilya ng 13-anyos na binatilyo na hindi sa anak nila ang nakuhang baril.

Hinala ng pulisya, ang 13-anyos na binatilyo ay nagselos at sa galit nito ay binaril ang 17-anyos na karelasyon na sinasabing mayroon pang ibang karelasyon, bago nagbaril sa sarili.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply