Tikas ng Azkals kikilatisin ng Hong Kong

PAGHIHIGANTI ang nasa isip ngayon ng Philippine Football team Azkals kontra Hong Kong sa pag-uumpisa ng Long Teng Cup sa Kaohsiung, Taiwan, bukas (Setyembre 30).

Mag-uumpisa ang laban sa ganap na 4:30 ng hapon sa Kaohsiung National Stadium.

Haharapin ng Azkals ang hamon ng Hong Kong, Macau at host team sa event na magtatapos sa Oktubre 4.

Natalo ang Azkals sa Hong Kong noong 2010 kaya naman lumanding ang huli sa tersero puwesto.

Bago nakalaban ng team Azkals ang Hong Kong ay tinalo muna nila ang Macau, (5-0) at naka-tabla sa Chinese-Taipei (1-1).

Samantala, ilang veteran players ng Azkals ang hindi makakasama sa team dahil hinaluan ng mga baguhang maninipa para sa Southeast Asian Games U-23.

Kabilang sa hindi makalalaro ay sina Fil-Brit goal keeper Neil Etheridge, Fil-German Stephan Schrock at Fil-Dutch Paul Mulders dahil sa commitment sa kanilang club teams sa Europa.

Ang mga baguhang sinalpak ni coach Hans Michael Weiss ay sina SEA Games pool members Fil-British Mark Hartmann, Lexton Moy, Fil-Spanish Carli De Murga, Fil-Germans goalie Roland Muller at defender Oliver Poetschke kasama ang U-23 players na sina Lemuel Unabia, Reymark Fernandez, Fil-Belgian Jeff Christiaens at Nickson Leonora.

Babalik naman sa Azkals ang utol ni Mark na si Matthew Hartman.

Ang senior Azkals na gagabay sa koponan ay sina co-skippers Aly Borromeo at Chieffy Caligdong, mainstays Phil at James Younghusband, Roel Gener, Fil-Spanish Angel Guirado, Misagh Bahadoran, Ian Araneta, Jason de Jong at goalie Eduard Sacapano.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply