Tim Cone bumaklas na sa Alaska

BALITA na ang pagreretiro ng long time head coach ng Alaska na si Tim Cone.

Ayon sa mga balitang lumalabas mula sa  mga sports analyst at mismong sa loob ng PBA, hindi na masaya si Cone sa kanyang ginagawa at gusto na nitong mag-iba ng trabaho.

Kaugnay nito, maingay din ang balita na lilipat na si Cone sa San Miguel Corporation at magiging consultant ng B-Meg Llmados kung saan may bago ding head sa katauhan ni Richard del Rosario.

Si Cone ang winningest coach sa PBA at longest tenure head coach ng isang team kung saan nagsilbi ito ng mahigit dalawang dekada sa Alaska at nagbunga naman ng 13 championships na may RARE GRANDSLAM noong 1996.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply