Tim Cone tanggap na tanggap sa B-Meg Derby Ace

KATULAD ng apelyido ni former Alaska Aces coach Timothy “Tim” Cone bitbit niya ang triangle offense sa paglipat ng multi-titled bench tactician sa B-Meg Derby Ace Llamados sa pagsisimula ng susunod na PBA season sa Oktubre.

Ang cone na kawangis ng triangle ay nagbigay ng 13 titulos sa Alaska Milk Aces nina team owner Alfred Uytengsu at Tim Cone kabilang ang isang grand slam noong 1996.

Makaraan ang dalawang linggo nang lisanin ni Cone ang Alaska ay tinanggap niya ang alok ng San Miguel Corporation group sa PBA bilang head coach ng isa sa mga koponan nito. Napili niya ang Derby Ace na kung saan ay makatutuwang niya sina ex-Milk Kings Johnny Abarrientos at Jeffrey Cariaso bilang mga bagong assistant na makakasama ng dati ng assistant coach na si Koy Banal.

Pormal ng iniharap nina SMC officials Rene Pardo, Robert Non, Butch Alejo at Noli Eala ang bagong coach ng B-Meg Llamados sa kanyang mga player na malugod siyang tinanggap.

Makakasama ni Cone sina James Yap, Kerby Raymundo, PJ Simon at Roger Yap at makakatulong niya ang multi-titled noong kanyang PBA years si Alvin Patrimonio na tumatayong team manager.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply