Tindahan ng mga bakal sa Navotas hinoldap

HINOLDAP ng anim na hindi pa nakikilalang mga kalalakihan ang isang tindahan ng bakal sa Navotas City kaninang madaling araw (Sabado, Setyembre 3).

Natangay kay Jason Co, 32, caretaker ng Land Pull Metal Trading sa H. Lopez St., North Bay Boulevard South, ng lungsod ang relo, cell-phone at P30,000 cash.

Nakuha naman sa tricycle driver na si Ferdie Estillore, 33, ang cell-phone at wallet na naglalaman ng P7,000 cash at lisensiya.

Sa ulat, dakong alas-2:00 ng madaling araw, kumatok sa gate ang mga suspek at nang buksan ng guwardiyang si Jefferson Danao ay agad na tinutukan siya ng baril.

Pumasok sa loob ang mga suspek at sapilitang kinuha sa mga biktima ang mga cell-phone at pera bago tumakas sakay ng dalawang tricycle na hindi nakuha ang plaka.

Nagsasagawa na nang follow-up operation ang mga pulis hinggil sa nasabing insidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply