Tirador ng panabong na manok binoga, dedo

PATAY ang isang lalaki na umano’y sangkot sa pagnanakaw ng mga panabong na manok matapos barilin ng hindi pa nakikilalang lalaki sa Malabon City mag-aala-sais kagabi (Setyembre 19).

Dead on the spot sanhi ng tama ng bala sa ulo ang biktimang nakilala lang sa alyas na Iking, taga-Sitio 6, Catmon ng lungsod.

Sa ulat, nakatayo ang biktima sa Gov. Pascual Avevue, Catmon ng lungsod nang lapitan at barilin ng salarin.

Matapos ang insidente ay parang walang nangyaring naglakad lamang papalayo ang salarin.

Sinasabing sangkot sa pagnanakaw ng mga panabong na manok ang biktima.

Iniimbestigahan na ng mga pulis ang pangyayari.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply