Tone-toneladang basura sa Manila Bay hinahakot pa rin

TULUY-TULOY pa rin ang paghahakot ng tone-toneladang ng basura sa Manila Bay na inanod ng alon noong kasagsagan ng bagyong Mina.

Naipon ang mga basura na palutang-lutang sa Manila Bay partikular na sa sea wall malapit sa US embassy.

Halos wala namang tigil ang mga dumptruck ng Manila Metropolitan Development Authority (MMDA) sa paghakot ng sangkatutak na basura na ginagamitan na backhoe upang mas mapabilis ang pag-alis ng mga basura na nagpapapangit sa paligid ng Manila Bay.

Ayon sa MMDA galing ang mga basura sa mga dalampasigan ng karatig lalawigan sa Maynila.

Sa ngayon ay hindi pa rin tapos at abala pa rin ang mga tauhan ng MMDA sa paglilinis na aabutin ng isang linggo bago tuluyang malinis.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply