Toni Gonzaga nakipagplastikan lang kay Mariel Rodriguez nang mahabang panahon?

MARAMI ang nakapunang very cold na mukhang walang paki si Toni Gonzaga sa isyung aalis na si Mariel Rodriguez sa noontime show na pinagsamahan nila. Hangga’t maaari, ayaw ni Toni sa topic pero dahil makulit ang mga nag-interview sa kanya, napilitan lang siyang nagbigay ng kasagutan.

Aniya, wala siya sa posisyon para magsalita sa nangyayari sa “HYY,” partikular sa pagre-resign ni Mariel sa tonong tila nga wala siyang pakialam, mawala man si Mariel sa naturang show.

Dagdag pa ni Toni, wala siya nu’ng magkaroon ng meeting at nalaman na lang niya ito kinabukasan.

Ayon pa kay Toni, kung anuman daw ang nasa isip ni Mariel, igagalang niya dahil friends sila.

Malungkot man daw na magkakalayo na sila ng kaibigan, masaya siya sa naging desisyon ng misis ni Robin Padilla.

Remember, minsan ding dumaan si Toni sa ganitong sitwasyon, kung saan, mula sa GMA-7, pikit-matang tumalon si Toni sa ABS-CBN kahit pa magaganda at top-rating ang shows niya noon sa GMA-7.

At enjoy daw siya sa tinatamasang kasikatan ngayon bilang solo star.

Now it can be told, lilipat na nga sa TV5 si Mariel and lumalabas na ang immediate reason daw kung bakit Mariel Rodriguez is quitting ABS-CBN’s Happy Yipee Yehey is because she and co-host Toni Gonzaga don’t see eye-to-eye.

Anang source namin, obviously, when Mariel discovered that former Wowowee host Willie Revillame was willing to take her back sa programang “Wil Time Big” Time should she decide to sign up with TV5, she and husband Robin Padilla decided na ‘magpaalam’ na siya altogether sa ABS-CBN.

Ayon pa rin sa nasabing source, nakatatawa nga dahil noong una, ang suspetsa ng marami, ang co-host din niya sa Happy… na ’di niya makasundo ay si Pokwang.

Actually, ’di ’yon kapani-paniwala dahil mahaba na ang pinagsamahan nilang dalawa.

Mariel and Pokwang were together bilang co-hosts ni Willie sa Wowowee.

Confirmed na nga that starting October, Mariel will be one of Willie Revillame’s co-hosts sa Wil Time Big Time.

And take note, as soon as “Guns and Roses” daw ends, kasunod na ring lilipat ang dyowang si Robin Padilla.

True kaya?

Anyway, lumalabas na hindi na natagalan ni Mariel ang kaplastikan sa kanya ni Toni Gonzaga kaya nag-alsa balutan na ito. Kumbaga, nagpaplastikan lang pala sila from the start na sinabi nilang ok na sila.

Remember, nagkaroon sila ng riff na naayos supposedly when both became co-host sa HYY.

Some folks say Mariel will be replacing Shalani Soledad who’s engaged to be married to Cong. Roman Romulo, but was told Shalani is not leaving the show as her husband-to-be agrees for her to go on with her hosting career even after their wedding.

So there!

***

Lito Lapid next mayor of Angeles City?

NASA limelight ngayon si Senator Lito Lapid dahil sa pagpapakatotoo niyang pag-aming di siya marunong mag-Ingles. Na, although, naiintindihan naman daw niya, di sanay ang dila niya na magsalita nito.

Kuagnay nito, hinamon ni Lapid ang mga kapuwa-senador na dapat na salitang Tagalog ang gawing lengguwahe sa mga debate na kaugnay ng pagpasa ng RH Bill. Ayon pa sa kanya, hindi ito dahil di siya marunong mag-Ingles, kundi mas higit daw itong maiintindihan ng maraming kababayang Tagalog din ang alam na salita.

“Hindi naman kasi ako nakapag-aral, ano ang magagawa ko, high shcool lang ang inabot ko,” sabi pa nito.

Dahil dito marami ang pumupuri kay Senador Lapid na sobrang nagpakumbaba at sinabi ang katotohanan tungkol sa di nito kayang mag-Ingles.

Pero tama nga naman, hindi naman komo di ka na makasalita ng Ingles, di ibig sabihing di ka na epektibong maglingkod-bayan. Alam naman natin kung gaano kamahal ng buong Pilipinas si Lito Lapid dahil sa nagawa niyang kabutihan sa kanyang paglilingkod sa bayan.

Take note, the good senator had been a topnotch politician in the province of Pampanga at natapos ang lahat ng terms niya.

Also, take note, that Lito Lapid might do a big comeback dahil pinag-uusapan na ang pagtakbo niya ng mayor sa Angeles City, You see, Lito Lapid is a resident of Angeles City kaya kuwalipikado siya.

Kapag nagkataon, isang malaking political war ang magaganap dahil nga nakagugulat ang kumakalat na balita.

Will Senator Lito Lapid be the next mayor of Angeles City?

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply