Top rookie pick magpapalakas sa Powerade Tigers

DESIDIDO ang Powerade Tigers na magpakita ng ibayong sigla sa pagbubukas ng PBA Cup sa Oktubre 2 sa Smart Araneta Coliseum sa pagkuha ng serbisyo ng number 1 pick player sa katatapos na PBA rookie draft.

Target ng bagong PBA board vice president at kinatawan ng Powerade Tigers na si JV Baylon ang top pick na si JV Casio para makasama nina No. 4 choice Fil-Am Marco Lassiter at No. 21 pick John Mark Agustin na ibabatay ni Baylon sa individual at team performances bilang criteria. Itatakda ang petsa ng lagdaan ng kontrata sa pagitan ng tatlong bagong players at ng management ng Powerade Tigers.

Makakasama ni Casio sa Tigers sina Gary David, Selino Cruz, Wil Antonio, RJ Rizada at mga bagong saping sina Dough Kramer, Josh Vanlamdingham, Alex Crisano, Jai Reyes at ang beteranong si Dennis Espino.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply