Total nagtapyas sa presyo ng Auto LPG

NAGTAPYAS ng presyo ng kanilang Auto liquefied petroleum gas (LPG) ang Total Philippines, ang pinakaunang rollback sa presyo ng produkto ngayong Setyembre.

Sa abiso ng naturang oil company sa Department of Energy (DOE), 75 sentimo sa kada litro ng Auto LPG ang ibinaba sa presyo nagsimula Sabado ng alas-sais ng umaga.

Ang Auto LPG ay ang ginagamit ng mga sasakyang nagpa-convert sa LPG.

Nitong nakalipas na araw nag-rollback ang mga LPG na ginagamit sa pagluluto bunsod ng pagbaba ng contract price nito sa world market.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply