Totoy sinaksak ng kapwa bagets sa school

ISANG matulis na metal ang pinangsaksak sa isang lalaking 15-anyos ng kapwa nito binatilyo sa loob mismo ng paaralan nila sa Sta. Cruz, Maynila kahapon (Setyembre 29).

Itinago sa pangalang “Boboy,” ang biktima, third year high school, ng Maria Natividad St., Sta. Cruz, na nagtamo ng tatlong tama ng isang matulis na metal.

Ayon sa report na ipinarating ni PO2 Ryan Punzalan kay P/Supt. James Afalla, Station Commnder, sinaksak umano ng isang 13-anyos na binatilyo, first year high school student, ang biktima sa loob ng Arellano High School sa nasabing lungsod.

Sa salaysay ng biktimang si Boboy, tinawag umano siya ng suspek kasama ang isa pang estudyante sa loob ng study area sa compound ng nasabing eskuwelahan dahil inakalang makikipag-areglo ito sa kanya.

Ang dalawang panig ay nabatid na may matagal ng alitan.

Sinabi ni Boboy na tiwala siyang lumapit ngunit nagulat siya ng bigla siyang undayan ng sunod sunod na saksak ng suspek.

Nagawa namang masalag ng biktima ang mga unang saksak sa kanya ngunit nang tumalikod siya para tumakbo ay dalawang sunod siyang sinaksak sa likod.

Naawat naman ng ilang sekyu ng paaralan ang nasabing kaguluhan at binitbit sila sa guidance office ng paaralan.

Masuwerteng hindi napuruhan ang biktima na agad na naisugod sa Jose Reyes Memorial Medical Center.

Inireport rin naturang paaralan sa pulisya ang naganap dahil hindi nila maawat ang magkabilang panig.

Pagkatapos na dumaan sa interogasyon ay ililipat ng mga awtoridad ang dalawang suspek sa Department of Social Welfare Development dahil kapwa menor-de-edad pa.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply