Traffic enforcer ginulpi ng jeepney drivers

BUGBOG ang isang kagawad ng Manila Police District Traffic Division  matapos pagtulungang bugbugin ng ilang jeepney driver na kanyang inaresto sa Sta. Cruz, Maynila.

Personal na nagtungo sa tanggapan ng MPD-General Assignment Section si PO1 Donato Jetro Guerrero, upang ipagharap ng reklamo ang mga suspek maging ang kanyang kapwa kabaro na si SPO1 June Guinaven, nakatalaga sa Blumentritt PCP Outpost sakop ng MPD-Station 3 nang pakawalan nito ang mga nanakit sa biktima.

Nauna rito, nabatid na inaresto ni Guerrero ang ilang jeepney drivers matapos lumabag sa batas trapiko sa Leonor Rivera St., Cavite St, Sta. Cruz, Maynila, alas-2:00 kahapon.

Kasalukuyang inaayos ni Guerrero ang trapiko sa Rizal Avenue at Tayuman St., nang hindi umabante ang isang hindi nakilalang jeepney driver.

Nang sitahin ni Guerrrero ay pinaharurot nito ang minamanehong jeep patungong Leonor Rivera.

Hinabol naman ni Guerrero ang driver hanggang sa maabutan sa nasabing lugar subalit rumesponde naman umano ang kapwa mga tsuper ng huli at pinagtulungang bugbugin ang una.

Nahinto lamang ang pananakit kay Guerrero nang dumating sina SP01 June Caligtan Guinayen, P03 Francis Manlutac.

Nang dalhin sa nasabing istasyon ang mga salarin ay saglit na nagtungo sa pagamutan ang biktima para magpa-medical, pero laking gulat niya nang pinakawalan na ng nasabing pulis ang mga tsuper na nambugbog sa kanya dahilan para ipagharap niya ng reklamo si  SPO1 Guinaven.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply