Traffic enforcer kulong sa pananampal

KULONG ang isang traffic enforcer matapos sampalin ang isang batang lalaki sa Navotas Martes ng gabi (Setyembre 13).

Nahaharap sa kasong slight physical injuries in relation to child abuse si Rogelio Singson, 32 at residente ng Leongson St., San Roque ng lungsod.

Sa reklamo ng biktimang edad 15, dakong alas-8:00 ng gabi, nakatayo siya sa Gov. Pascual St., nang sampalin ni Singson.

Agad na humingi ng tulong sa pulis ang binatilyo at pinadakip ang suspek.

Inaalam na ng mga pulis ang dahilan kung bakit sinampal ng suspek ang biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply